In our fast-paced society, with technology and skyscrapers in mind, everything tends to become urbanized. Little do we realize that amidst the changes, our need for food remains constant and most of our food sources are still the same, livestock and produce. Though some things have changed minimally and some have not, the bigger question is with urbanization, where can we still get our food? Does it truly come with a price?
It seems we have been preparing for these changes all along. With economic development and industrialization inevitably happening, urban farming has been gaining popularity, addressing urban environmental management issues we currently face.
Danny Agliam is a game changer in Philippine agriculture. He was the champion on TOFARM, Search for Outstanding Farmers of the Philippines, for the Urban Farming category in 2014. He has been introducing Benguet to urban farming and the idea that limited space is not a hindrance in harvesting your own organic produce. Murphy Report had a chance to talk to him about his very own rooftop garden, urban farming, going organic, and aquaponics.

Kuwentuhan niyo naman po kami tungkol sa inyong trabaho.
May-ari po ako ng rooftop garden dito sa tabi ng City Market ng Baguio City. Ako po ay kawani ng Department of Agriculture in Cordillera. Naisipan kong gumawa ng ganito kasi gusto ko pong ipamahagi ang anumang natutunan ko sa pagtatrabaho ko sa gobyerno at mga trainings ko sa abroad. Gusto ko po ipamahagi sa mga may bahay dito na walang pagtaniman at hindi naniniwala na pwedeng magtanim sa kahit anong klaseng pataniman, kahit maliit lang na lupa pwede po dito sa Baguio City.
Paano po nagsimula ang inyong rooftop garden o ang paggamit ninyo sa konsepto ng urban farming?
Ang una po naming nailagay dito sa rooftop namin ay mga manok. Manok na makakaain at maiuulam. Kaso hindi namin pinatagal `yun kasi kapag bumabagyo, kawawa ang mga manok. Namamatay at hindi na makakain. So naisip naming gumawa ng greenhouse upang makapagtanim ng iba’t-iba klaseng gulay, upang makakain kami ng sariwa, masustansya at safe na gulay.
Kelan niyo po ito sinimulan?
`Yung greenhouse na ito, pinatayo namin sa kalagitnaan ng 2010.
Gaano po kalaki ang inyong rooftop garden?
6×8 meters lang.
Bakit niyo po naisipan na dito sa Benguet manatili at dito na rin gumawa ng rooftop garden?
Unang-una, ako po ay taga Tabuk City sa Kalinga. Nagaral ako dito sa Baguio pero dati pong farmer kami sa bayan. Noong una, hindi ko alam na mapapasok ako sa agrikultura. Napili ko din na dito na sa Baguio magtanim kasi dito na ko nakapangasawa at dito na kami namalagi. Tapos dahil nga madaming nagsasabi na hindi na safe ang pagkain, naisip na namin itong rooftop na pagtaniman upang meron kaming malinis at sari-saring pagkain para sa aming pamilya. Bukod pa diyan, alam naman natin na ang Benguet ay vegetable area.

Ano pong mga halaman ang nasa inyong garden or farm?
Ang aming tinatanim dito ay `yung mga tinatawag nating “highlands”. Ang highlands ay mga salads, mga lettuce, mustasa, strawberries, and assorted herbs. Meron din namang lowland vegetables na medyo mainit ang kailangang temperatura gaya ng sitaw, ampalaya, halo-halo po ang nandito sa amin.
Ano po ang naging karanasan at pasubok ninyo sa pagtatayo nito?
Naging mahirap po ang aking karanasan noon dahil I had to spend 3 years to perfect things on my rooftop garden. At mula noon, maraming dumadayo, maraming pumupunta dito na natuturuan ko. I have been sharing everything to them at madami din kaming natutunan.
Kamusta naman po ang pagtatanim at pagpapalaki ng mga halaman?
Hindi madali kasi kailangan i-timing mo ang tamang panahon sa pagtatanim. Hindi po puwede na basta nandito ka lang, magtanim ka lang. Dapat mag crop rotation kami para hindi pare-parehas ang tinatanim namin. Hindi monocropping. Para sa minerals at vitamins ng lupa at yung mga insekto, kung meron man, hindi mabubuhay. Ganun po ang sistema dito.
Nasabi niyo po na dati na mga manok ang inaalagan ninyo dito. Ngayon po, bukod sa pananim, meron pa po ba kayong ibang inaalagaan dito?
Nagpatayo ako ng mini fish pond at saka itong aquaponics. Para madagdagan itong nasa greenhouse namin na pwedeng magalaga, integrated dito sa loob ng greenhouse at makikita ng mga tao namin. At sa aking pananaliksik tungkol dito, lumaban kami ulit ng agricultural innovator, at doon nabigyan kami ng special citation sa aming ginagawa sa agrikultura. Hanggang ngayon dumadami pa ang naniniwala na kahit walang lupang malaki ay pwedeng magtanim ng gulay para sa pamilya.
Ano po yung mga isda na nandito at ano po ang pakinabang ng mga halaman sa kanila?
`Yan `yung red tilapia. `Yung dumi niya, iaakyat doon, at siya ang magdidilig sa mga halaman. Idedeliver ng water ang dumi ng isda. It will serve na ito ang fertilizer niya. Tapos ang madedrain ay ibabalik sa may fish pond `yun din ang gagawa sa pagkain ng mga isda.
Kayo po ay miyembro ng La Trinidad Organic Practitioners (LaTOP). Ano po ang kahalagahan nito?
We have to prove ourselves in organic gardening. Kasi po madami kaming nakikitang yung gumagamit ng sobrang pestisidyo na ikakasira ng kalusugan ng tao. Kaya kami po ay sertipikado na organic farmers.
Ano po ba ang kailangan para sa mga nagnanais na tahakin ang Urban Farming at gustong gumawa ng katulad ng inyong rooftop garden?
Pagmamahal lang ang kailangan diyan kasi kung ang intensyon mo lang ay masabi lang na may tanim ka at papabayaan mo na, hindi `yan puwede. Ang pag-urban gardening ko, paggising ko ng umaga, dito na ko magkakape, tinitingnan ko ang mga tanim ko. May music para pampaganda rin. Tapos paguwi ko ng hapon, didiretso lang din ako dito. Kung halimbawa wala ako dito, natutunan na ng mga anak at asawa ko na sila na rin magalaga sa pananim namin. `Yung passion mo talaga na pagtatanim, dagdagaan mo ng pagmamahal.
CREDITS
Text- Dane Raymundo
Photography – M Espeña