When you started being a DJ, what were your expectations?

Actually nung nag-audition ako as a Love Radio DJ, my only expectation was to be able to move on from my past boyfriend. I was trying to mend a broken heart. Kailangan ko ng bagong environment so ito na dumating na ‘yung Love Radio sa akin. I did not expect that ‘yung segment namin ni Chris Tsuper would be so big. I didn’t expect to have commercials, 3 albums and a book, and endorsements.

How about some of the things that you did not expect?

I remember that particular moment when I went out of the station and pang-evening pa ‘yung slot ko, and then this person came up to me and asked for my autograph. I did not expect people would actually come up to me and ask for my signature. Parang hindi siya isang bagay na I dreamed of.

Hindi ko din inexpect na magkakaroon ng bashers na very keyboard warriors ang dating. I did not expect na part nga pala na pagiging public figure, so to speak, yung paminsan-minsan idadamay yung pamilya mo kapag iba-bash ka nila. But then nung ako na, dinamay ‘yung anak ko, eh ‘yung baby ko pa naman when she was born, hinamak to death. Parang “Bakit ba Princess pa pangalan nyan, di naman siya parang prinsesa?”. Hindi ko inexpect ‘yung ganun from people. But siyempre, hindi ka naman daw sikat kapag wala kang bashers, so carry na ‘yun. Sikat pala ako!

Given those situations na may bashers talaga, how do you handle it?

Nagsimula ang bashing nung there was a competition online. Kasi kung daily routine lang naman namin ni Chris, parang wala namang rason para ibash mo kami, pwera lang kung nako-corny-han ko or naoffend ka from what we said. So deadma lang kami. Kaya lang nung time na ‘yun talagang naapektuhan ako. Talagang sinagot ko ‘yung nangbash. Normally, I would just shrug it off eh, pero hindi, sinagot ko talaga kasi anak ko na ito eh. But now, whenever I see those, ganun talaga eh, you cannot please everyone. Everyone would always have something not good to say about you, even if your intentions are clear.

We know initially that your job was not a DJ and you never expected it to be your job, but prior to working as one, what were your impressions of DJs and did it change when you were already one?

I used to listen to Magic, to Chico and Del. Idol ko sila, alam nila ‘yun. Ganun ang imagination ko ng DJ, ‘yung parang high end. Binago lahat ‘yun ng Love. In fact nung nag-audition ako as Love Radio DJ, my audition piece was about the vigilance of the youth and the economic crisis kasi nga Business Management ang aking background, banking, tapos I write speeches. Love Radio revolutionized the way what a DJ should be. Hindi na siya dapat parang “That song was brought to you by lang” or pacute na “that song is for you”, mas personal na ang atake.Itong kantang ito ay para sa yo na iniwan, sinaktan, tinu-time, binalewala”, so, kung ikaw yung makakarinig nun, “Oops, ako ‘yun”, parang mas ramdam mo na malapit ka dun sa DJ.

We know that you also do interviews, among the personalities you have guested on your show, who was your favorite? Why?

Not to be political, gusto ko ‘yung interview namin with Honasan. Kasi nung bata palang ako alam ko na kung sino siya, nung EDSA revolution. Tapos more than ‘yung political side, I saw his lolo side. ‘Yun yung nagugustuhan ko sa mga interviews namin sa mga personalities, kasi we get to see their other side. Hindi lang ‘yung political side nila pero nakita ko ‘yung pagiging lolo niya at parang ang cute, cute niyang maging lolo at parang gusto kong maging apo niya, mga ganun.

Nicole Hyala

“Minsan naman alam mo na talaga ang sagot, hindi mo lang talaga ginagawa. Giving advice is easy, doing it is another thing. Pero kung tatanungin mo ko kung ano ang pinakamahirap, kapagka ang topic, is related to religion. Kasi ayokong iba yung impression nila with what I said.”

 

Pero sino yung pinaka- controversial?

Siguro si Villar kasi, basta. Haha. People will always have something to say about him or her. So ‘yun, but they’re good people.

You also give advices to your listeners, where do you usually get them from?

Hugot from personal experience or from the experiences of others. Relatable kasi lahat, so kaya I talk to a lot of people para at least alam ko ang mga problema ng bawat isa para kapagka-naitira yun sa amin sa radio, we know what to say.

Can you give us one of the hardest situations you had to give an advice to?

Minsan naman alam mo na talaga ang sagot, hindi mo lang talaga ginagawa. Giving advice is easy, doing it is another thing. Pero kung tatanungin mo ko kung ano ang pinakamahirap, kapagka ang topic, is related to religion. Kasi ayokong iba ‘yung impression nila with what I said.

Your voice is your asset, how do you take care of your voice? Do you have a routine?

I don’t! I don’t have a routine. Ako ‘yung worst person to ask about vocal hygiene! Wala kasi. I don’t even hydrate. Pero if I would give advice, ito naman ang ibibigay ng iba, hydration and voice rest.

If there is one person that you have learned so much about life from, who would it be?

My mom. She knows everything, and I hope to be like her. Kasi parang even if mom na ako ngayon, parang I’m so far from who she is as a mother. Ang dami niyang itinuro sa amin about life like, “There would always be someone for everyone” or “lahat ng kaldero may nakalaang takip”.

Nicole being a DJ for Love Radio, does it surprise people that you came from Assumption?

It doesn’t bother me, kasi it just shows the versatility ng mga Assumptionists, na hindi lang kami isabak sa high-end, pwede mo rin kami isabak sa masa.

You’ve gone so far as a radio DJ. What do you think is the greatest achievement from this?

Siyempre bukod sa monetary, the greatest achievement, you know that every day, meron kang mata-touch miski isang tao, in whatever way. You don’t get to do that everyday. But we get to do that for a living. We get paid to do that.

How do you deal with fame? And what keeps a Nicole Hyala grounded?

Sakto lang. Ito lang lagi ko sinasabi eh, pare-pareho lang tayo umuutot. Nagkataon lang nasa radio ako at maingay ako, napapakinggan ako sa umaga pero sa totoo lang, meron din akong panis na laway, may muta din ako, nangungulangot din ako kapag walang nakatingin, minsan kapag may nakatingin nangungulangot din ako. Nangangati din singit ko. Normal. So that’s what keeps me grounded. I’m still like any other person.

At this age, what is one of the most important lesson life has taught you?

I’d like to focus on motherhood. One thing I’ve learned is that, nabasa ko din tong quote na ‘to “you’ll never be this loved again.” So that’s what I always say to myself and to my listeners on air especially to new moms, na kahit nakakainis kahit nakakairita yung anak mo, namnamin mo kasi dadating yung panahon na kapag umiiyak yan hindi na ‘yan sa ‘yo tatakbo. Ang una niyang kakausapin, ‘yung friends niya, ‘yung best friend niya ‘yung unang makakaalam na may boyfriend siya so habang ikaw yung pinakaimportanteng babae sa buhay niya kailangan mo, namnamin kasi mabilis lang ang panahon.

Nicole Hyala

“My life is an open book on air. Hindi ko siya tinatago. As long as you learn from me and as long as it makes you happy, okay lang sa akin.

Are you happy? What defines Nicole Hyala’s happiness? Are you where you want to be?

Yes I am, but I would like to have a baby boy. I think okay naman na ‘ko. Siyempre pwede pa ‘ko magipon, gusto ko yan. Hindi pa naman dumadating ang malalaking gastos sa akin katulad ng education of my Princess but, kung tatanungin mo ‘ko kung meron pa ‘ko isang mahihiling, baby boy, okay lang din kahit baby girl. Basta isa pa, or dalawa pa, okay fine, kahit anim.

You already tackled this a bit, but can you further describe Emmylou as a mom, describe motherhood and what do you want your daughter to be?

Frustration ko ang maging isang cheerleader. Naiinggit ako sa Assumption College Hardcourt, kasi they wear those little skirts tapos petite sila, ‘yun talaga wish ko maging si Princess pero parang hindi ko naman siya pwede i-push. I would only expose her to different environments para at least malaman ko kung saan siya mageexcel, to dance, music. Hindi ko siya ipe-pressure masyado kasi gusto ko siya mag-enjoy. Siyempre gusto ko siya maging cum laude tulad ko, pero mas importante yung natututo siya kaysa sa ang goal niya is just that award.

But what type of a mom are you? Disciplinarian ka ba?

Hindi ko pa masabi na disciplinarian kasi too early eh. Pero doting mother. Ako pa ‘yung unang naiiyak kapag naiiyak siya pero nasasanay na though nauuna siya umiyak kaysa ako. I really like not to spoil her but I’ve waited for so long and she’s the only one as of now, ‘di ba hindi mo naman masisisi ang isang nanay kung maso-spoil niya ang bata kasi para kanino ka pa nagwowork di ba?

You are a very popular DJ. What sets you apart from other DJs and in your opinion what is it that made you get the “kilitiof so many people?

Wala akong kiyeme. Wala akong pakialam kahit sabihin kong kulangot. Wala akong pakialam kahit sabihin kong mabaho ang paa ko paminsan. I think I am someone that people can relate to. Sometimes kasi people are afraid na ipakita ‘yung tunay nilang sarili kaya ayun hindi sila masyado pumapatok or they try to cover with pacute-cute style lang. I think that’s what sets me apart. My life is an open book on air. Hindi ko siya itinatago. As long as you learn from me and as long as it makes you happy, okay lang sa akin.

Have you been always interested in music?

No. (Laughs) Kasi kung meron lang, it makes me sadder or it makes me happier. Kunyari sa radio or makikinig ako sa Spotify, I will look for a song, depende what I’m feeling.

What’s your motto in life?

We always abide by the law of attraction. What you think, you become. Lagi namin sinasabi, lagi din namin pinapaalala to always be positive and remain positive at naniniwala kasi ako sa good and bad karma. What you do bounces back to you.

Future plans?

Baby boy. Baby boy. Baby boy. Hopefully, more books. Up until now, wala talaga ‘ko plano. I always just go with the flow. Hindi naman namin pinlano na magkaroon ng commercial. Hindi namin pinalano na magkaroon ng libro. Ako, I envision myself and Chris to be in the radio, namamayagpag, mga ano pa, dapat, 20 years. Same kind of spirit, same humor. Mas high-tech na nga lang kasi high-tech na tayo ngayon. marker

CREDITS

Interview & Text – Dane Raymundo

Videography – Cris Legaspi and M Espeña

Editing – M Espeña

Get out into the real world.

SHARE THIS STORY

SHARE THIS PAGE

twitter-4096-black fb_blackpinterest-png-file-0 instagram-xxl
murphy_logo   marker

Murphy Report is an independent online magazine that aims to inspire you to look up from the glare of your screens and get out into the real world.